Pages Navigation Menu

Philippines news, headlines, events , stories and all that is trending

Slum area sa Zambo, nahagip ng sunog

ZAMBOANGA CITY – Hindi pa man nabubuhay si Kristo, mistulang impyerno naman ang bumulaga sa isang slum area sa Zamboanga City matapos na lamunin ng apoy ngayon umago ang mga kabahayan doon.

 

Abala pa naman ang mga residente sa Barangay Tetuan sa paghahanda sa pagsulubong sa muling pagkabuhay ni Kristo ngayon. At karamihan sa mga ito ay galing pa sa simbahan ng sumiklab ang apoy sa isang bahay na tabi lamang ng sementeryo.

 

Walang naiulat na sugatan sa sunog, ngunit nahirapan ang mga bumbero na sumuong sa mga iskinita upang makapasok sa lugar. Mahigit sa 10 kabahayan ang inisyal na inulat na natupok ng sunog sa lugar.

 

Halos pagsakluban ng langit ang mga residente na nawalan ng bahay at sa kabila ng kanilang panalangin ay tila bigo naman ang diyos na marinig ito sa araw ng Sabado de Gloria sa pagtatapos ng Semana Santa.

 

Patuloy pa ang imbestigasyon sa naganap, ngunit posibleng umanong short circuit o electrical fire ang pinagmulan nito sa bahay umano ni Marissa Peña na noon ay abala sa paglilinis sa sementeryo na kung saan ay isa itong caretaker doon. (May ulat mula kay Ely Dumaboc.)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

 

35 total views, 35 views today

This post was syndicated from Mindanao Examiner Regional Newspaper. Click here to read the full text on the original website.

Do you something awesome to share with the world? Click here to share

Follow us on twitter @philmonitor

Also, Like us on facebook

Leave a Reply

Be the First to Comment!

avatar
  Subscribe  
Notify of